Inihayag ni Senador Risa Hontiveros na may ugnayan umano si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa mga kriminal.

Sinabi ito ni Hontiveros sa isang Facebook post nitong Martes, Mayo 21.

“Mayor Alice Guo has ties with CRIMINALS,” ani Hontiveros.

“Kasama niya sa Baofu, dating kumpanya niya, ay sina Zhang Ruijin at Baoying Lin na ARESTADO sa ‘largest money laundering case’ sa Singapore,” saad pa niya.

National

Mayor ng Bamban, Tarlac, walang school at hospital records?

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Senado ang umano’y pagkakasangkot ni Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), kung saan kinuwestiyon din sa pagdinig ang tungkol sa identidad nito.

Samantala, pinatatanggalan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Guo ng kapangyarihang pangasiwaan ang pulisya sa munisipalidad na nasasakupan nito.

https://balita.net.ph/2024/05/20/guo-pinatatanggalan-ng-kapangyarihang-pangasiwaan-ang-bamban-police/

Naglabas naman ng pahayag ang alkalde nitong Lunes, Mayo 20, para itanggi ito.

https://balita.net.ph/2024/05/21/guo-itinangging-espiya-ng-china-akoy-tunay-na-pilipino-sa-puso-isip-at-gawa/