Pagseselos sa lalaking best friend ang isa sa mga dahilan kung bakit naging toxic ang relasyon ng mag-ex-partner na sumalang sa ">‘EXpecially For You” ng “It’s Showtime” noong May 16 episode.

Kuwento ni Usef, pinagselosan daw ng kaniyang ex-girlfriend na si Mayzelle ang best friend niyang lalaki, na kasama niya mula pa noong pagkabata.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Dumating daw sa punto na parang pinapipili siya sa pagitan ng dalawa. Buong loob niyang sinabi na mas pipiliin niya ang best friend niya kaysa sa girlfriend niya.

“For me mas pipiliin ko ‘yung best friend ko kaysa sa kaniya,” ani Usef na nagpa-react sa mga audience.

“Ayun ‘yung mahirap eh. ‘Yung pumili sa best friend at girlfriend,” sey ni Kim.

Paliwanag ni Usef, sobrang nahirapan daw siyang mamili. “May dalawang isip pero alam n’yo po ‘yun, parang pamilya ‘yung turingan namin eh.”

Kwento naman ni Mayzelle, kaya raw siya nagseselos dahil kapag nandoon daw si Usef sa best friend niya, wala na raw siyang natatanggap na chats at updates. Hindi na rin daw enough ‘yung assurances na nakukuha niya mula sa dating nobyo. Nasaktan din daw siya nang hindi siya piliin ni Usef.

“Super sakit po. Kasi ako tinalikuran ko po ‘yung buong family ko para sa kaniya. Tapos ako sa best friend niya, wala pala akong laban,” ani Mayzelle.

Tanong naman ni Vhong, “Usef, bakit mas pinili mo naman si best friend? ‘Di ba kung best friend mo siya, kumbaga, maiintindihan niya kung ang pipiliin mo ay si Mayzelle.”

“Kaya ko po pinili ‘yung taong ‘yun kasi mas marami po kaming pinagdaanan na problema. Bagay na walang-wala pa kami. Bagay na sobrang hirap ng problema talagang walang iwanan. Kaming dalawa lang kahit kalaban n’yo na buong mundo, okay ‘yun, lalaban pa rin basta kasama mo,” sagot naman ni Usef.

Segway naman ni Kim, “Bakit ka pa nag-girlfriend kung may best friend ka naman pala?”

“Tinatanong ko lang, ‘di ba? Ba’t nag-girlfriend ka kung gusto mo magkasama kayong dalawa?” dagdag pa niya.

Sagot ni Usef, “akala ko kasi all throughout the aspect masusuportahan niya [Mayzelle] rin ako. Nandoon naman ‘yung support pero minsan kapag may problema ka alam mo ‘yun. Minsan nagkukulang din [sa love].”

Samantala, mukhang may pipili na kay Mayzelle dahil ang kaniyang bagong makaka-date ay si Anduri, 19.