Patay ang binatilyong may problema umano sa pag-iisip nang malunod habang naliligo sa spillway sa Rodriguez, Rizal, nabatid nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si John Vincent, 17, residente ng Brgy. San Rafael.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Batay sa naantalang ulat na nakarating sa Rodriguez Municipal Police Station, dakong alas-2:10 ng hapon ng Mayo 19 nang maganap ang madiskubre ang pagkalunod ng biktima sa Cerine Spillway sa Brgy. San Rafael Rodriguez.

Sa pahayag ng testigong si Romy, security guard, nabatid na bago ang insidente ay nakita pa niya ang biktima na naliligo sa spillway.

Kalaunan ay natagpuan na itong wala nang buhay ng ilang concerned citizen at hinalang nalunod.

Tumanggi naman na ang pamilya ng biktima na paimbestigahan pa ang insidente dahil naniniwala silang walang naganap na foul play dito.