Nilinaw ng Kapuso actor-director na si Xian Lim ang kumalat na tsikang nagpaluto muna siya ng steak sa ex-girlfriend na si Kim Chiu bago ito hiwalayan.

Sa panayam ng isang lokal na pahayagan online (Inquirer), inilarawan ni Xian ang alingasngas na ito bilang "absurd."

Aniya pa, dagdag-bawas na raw ang kuwento at fake news. Nabanggit din ni Xian na hindi raw siya ang nag-initiate ng break-up.

Nakiusap pa raw siya kay Kim na kung puwedeng maglabas sila ng joint statement tungkol sa hiwalayan subalit tumanggi raw ang ex-girlfriend dahil kasagsagan ito ng launching ng kanilang serye (Linlang Teleserye version o kaya What's Wrong with Secretary Kim).

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Matatandaang unang umusbong ang tsika tungkol sa steak sa entertainment vlog ni Ogie Diaz na "Ogie Diaz Showbiz Update."

Ani Ogie, nag-request daw muna ng paborito niyang steak si Xian kay Kim, at habang kumakain na sila, doon na sinabi ni Xian ang tungkol sa break-up.

MAKI-BALITA: Nag-request na lutuan siya: Xian, hiniwalayan si Kim habang kumakain ng steak?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kim tungkol sa isyu.