May bagong proyektong aabangan kay “Primetime King” Coco Martin kung saan makakasama niya ang “It’s Showtime” host na si Vhong Navarro.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News nitong Lunes, Mayo 20, ibinahagi ni Coco ang bagong konsepto raw na binubuo niya para sa kanilang dalawa ni Vhong.

“May binubuo akong konsepto with Vhong Navarro. Medyo mabigat. Action, suspense-drama at saka comedy. Pero sabi ko kasi, iba ang atake nang paggawa ng series, sa ibang platform kesa sa mga teleserye,” pahayag ni Coco.

“Ito mas madugo, mas brutal, mas sagad. Dapat unexpected, dapat first episode pa lang mapakapit mo na agad 'yong mga viewers. Kaya sabi ko, 'yong hindi ko nagagawa sa ‘Batang Quiapo,’ dito sasagarin namin 'yan,” wika niya.

Teleserye

'Nakakagigil talaga!' McCoy De Leon, nagawa pang mag-picture bago magnakaw

Dagdag pa ng Primetime King: “Alam ko 'pag nagsama kami, alam ko na 'yong iisipin ng mga tao, na action-comedy 'yan. Hindi. Iibahin ko. Iba ang character niya (Vhong). Iba ang storya.”

Tila in good terms talaga sina Coco at Vhong sa isa’t isa. Matatandaang kamakailan lang ay isinali sa bagong cast ng “FPJ’s Batang Quiapo” ang anak ni Vhong na si Yce Navarro.

MAKI-BALITA: Anak ni Vhong Navarro, sasabak sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’