Tila loyal at faithful talaga ang businessman at politician na si Mikee Morada sa misis niyang si Alex Gonzaga.

Sa latest episode kasi ng vlog ni Alex nitong Linggo, Mayo 19, matutunghayan ang pakikipamiyesta nila ni Alex sa isang barangay sa Lipa City, Batangas.

Sa isang bahagi ng naturang vlog, pinatikim ni Alex ang mister niya ng nakahaing tahong mula sa isa sa mga bahay na pinuntahan nila.

“O, ‘di ba mahilig sa tahong,” saad ni Alex na ang tinutukoy ay ang mister. 

James sa paglayas ni Liza sa Careless: 'It's her decision'

Nagsitawanan tuloy ang ilang taong nando’n sa loob ng bahay. Kasunod naman nito ay binalingan niya si Mikee para tanungin.

“Tahong ni Carla? Tahong ni Alex?” 

“Ni Alex,” sagot naman ni Mikee. Bahagya napangiti si Alex sa sinabi ng asawa.

Anyway,  ang “Tahong ni Carla” ay pamagat ng isang Cebuanong kanta na madalas pinapatugtog sa mga sayawan dahil sa nakakaindak nitong melodiya.