Sa loob ng isang pampasaherong jeepney ang naging venue ng vlog ni Unkabogable Star Vice Ganda kasama ang "It's Showtime" co-host na si Darren Espanto na may pamagat na "JEEPpool karaoke with Meme and Darren."

Sa umpisa pa lang ng ">vlog ay kapansin-pansin na ang karatulang "GOD BLESS OUR TRIP. I SUPPORT THE TRANSPO STRIKE."

Sa pamamagitan ng videoke ay nag-singing session sila ni Darren habang kinakapanayam ang actor-singer-TV host.

Aniya, pinili raw niyang magsagawa ng vlog sa jeep upang iparanas kay Darren ang pagsakay rito. Laking Canada kasi si Darren kaya hindi niya naranasan ang pagsakay sa pampasaherong jeepney sa Pilipinas. Bukod doon, may kaya ang pamilya ni Darren at may sarili silang sasakyan.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

Nakasakay lang daw si Darren sa isang customized jeep kasama ang iba pang artista, pero ang isang tipikal na jeepney ay hindi pa raw niya nasasakyan.

"Bago pa man din nila tuluyang mai-phaseout ang mga jeep kung saka-sakaling magtatagumpay sila, naranasan mo na ang pagji-jeep," sey pa ni Vice Ganda kay Darren.

Matatandaang sa kaniyang trending "Piliin Mo Ang Pilipinas" challenge ay isinama ni Vice Ganda ang kaniyang pagtutol sa jeepney phaseout para sa private utility vehicle modernization program ng pamahalaan.

Dahil dito ay nagpaabot ng pasasalamat kay Vice ang mga transport group na PISTON at Manibela.

MAKI-BALITA: Pinas mahirap ipaglaban, pero pinipili pa rin ni Vice Ganda

MAKI-BALITA: PISTON, Manibela pinasalamatan ‘pagtindig’ ni Vice Ganda sa panawagan ng mga tsuper

Anyway, sa nabanggit na vlog ay nagkaroon ng iba't ibang nakakalokang rebelasyon si Darren tungkol sa kaniya, gaya na lamang ng pagiging "good kisser" niya at pagdating sa love life.