Nanumpa na si Senador Chiz Escudero bilang bagong pangulo ng Senado ngayong Lunes, Mayo 20.

Ang naturang pagkaluklok kay Escudero sa posisyon ay matapos magbitiw sa pwesto ni Senador Migz Zubiri nito ring Lunes.

Kasama ni Escudero sa kaniyang panunumpa ang kaniyang maybahay na si Heart Evangelista-Escudero.

National

Zubiri, nagbitiw na sa pwesto bilang Senate President

Sa kaniyang talumpati, pinasalamatan ni Escudero si Zubiri sa naging magandang pamamalakad daw nito bilang pangulo ng Senado.

Nangako rin si Escudero na gagawin niya ang lahat para maging mahusay na Senate president.

“Nakahanda po akong pagsilbihan kayo sa anumang makakaya natin habang sabay-sabay nating pinagsisilbihan ang bansa at ang sambayanang Pilipino,” ani Escudero.