Naloka si Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda sa rebelasyon ng kaniyang co-host na si actor-singer Darren Espanto kung good kisser ba siya.

Nag-collab ang dalawa sa latest vlog ni Vice Ganda na "JEEPpool karaoke with Meme and Darren" kung saan tsinika ni Vice si Darren ng ilang mga impormasyon tungkol sa kaniya, sa pasingit-singit na pagkakaraoke sa loob ng isang pampasaherong jeep.

Isa sa mga naitanong ni Vice Ganda kay Darren ay kung magaling ba siyang humalik.

"Wala pa naman akong na-disappoint," diretsahang sagot ni Darren.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

Napahiyaw at napapalakpak na lamang si Vice Ganda sa sagot ni Darren.

Sa kaparehong vlog, inamin din ni Darren na nagka-kiss mark na siya at nagkaroon siya ng mga karelasyon subalit tila walang label.

Hindi raw kasi nagtatanong si Darren, kapag naramdaman na niyang gusto niya ang babae at gusto rin siya, para sa kaniya, mag-jowa na sila.

Inamin din ni Darren na "friends" sila ngayon ng isa sa kaniyang ex-jowa.

Matatandaang na-link at naintriga ang friendship nila ni Cassy Legaspi, kambal ni Mavy Legaspi, na mga anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.