Usap-usapan ng mga netizen ang kumakalat na larawan kung saan makikitang kasama ni Kapuso Star Alden Richards ang mga kaanak ni Kapamilya star Kathryn Bernardo, na ayon sa ulat, ay despedida party ng kapatid ni Kathryn na si Kevin Bernardo.

Inupload ng isang KathDen Facebook page ang larawan at mabilis naman itong pinag-usapan sa social media, lalo na't usap-usapan ang "panliligaw" na raw ni Alden kay Kathryn, gayundin ang tuloy na tuloy nang part 2 ng "Hello, Love, Goodbye" na may pamagat na "Hello, Love, Again," sa unang sanib-puwersa ng Star Cinema at GMA Pictures.

MAKI-BALITA: Titulo ng bagong pelikula nina Kathryn, Alden pinangalanan na!

Saad ng PEP, sa larawan ay makikita sa dulong kaliwang bahagi si Kathryn, habang nasa dulong kanan naman si Alden. Nasa pagitan nila si Shannen, ang kuya ni Kathryn na si Kevin, at isa pang ale.

Tsika at Intriga

Raquel niyabang katotohanan; 'All By Myself' ni Charice, di pa nahihigitan

Photo courtesy: PEP

Dagdag pa, hindi raw tiyak kung saang lokasyon kinunan ang larawan, subalit kung pagbabatayan daw ang mga suot nila ay mukhang sa bahay lang ito.

Ang nag-flex ng larawan ay sinasabing kapatid ng hipag ni Kathryn, na naka-pribado na ang Instagram account. Mabilis lang daw ang kamay ng KathDen fans kaya na-screenshot kaagad ang larawan, at pinupulutan na nga sa socmed.

Wala pang tugon, reaksiyon, at pahayag ang kampo nina Kathryn at Alden tungkol dito.