Opisyal nang ipinakilala sa publiko ang titulo ng sequel ng box office hit na “Hello, Love, Goodbye” na pinagbibidahan nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

Sa bagong episode ng NMA {New Episode Alert) nitong Linggo ng gabi, Mayo 19, ay matutunghayan ang isang pasilip sa muling pagkikita ng mga karakter nina Alden at Kathryn na sina Ethan at Joy.

Sa bandang huli ng video, lumitaw ang titulo ng naturang sequel: “Hello, Love, Again.” Nakatakda itong ipalabas sa mga sinehan sa bansa sa darating na Nobyembre 13, 2024.

Pero bago pa man ito ay nauna nang kinumpirma sa isang ulat ng ABS-CBN News na matutuloy na talaga ang pagbabalik-tambalang ito nina Alden at Kathryn.

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

MAKI-BALITA: Sequel ng ‘Hello, Love, Goodbye’ kinumpirma na

Matagal na kasi talagang hinihirit ng fans na sundan na ang nasabing pelikula at ngayong single na si Kathryn ay lalong lumakas ang panawagang ituloy ito.

MAKI-BALITA: Fans ng ‘Hello, Love, Goodbye’ nina Kathryn Bernardo, Alden Richards, hirit na ang sequel

Matatandaang kamakailan lang ay naglabas ang GMA Pictures at Star Cinema ng isang video teaser bilang pahiwatig sa kauna-unahan nilang movie collaboration.

MAKI-BALITA: GMA Pictures, Star Cinema magsasanib-pwersa para sa isang pelikula