Hindi talaga magpapahuli ang mga Pinoy pagdating sa mga kalokohan patunay diyan ang ginawang pandodogshow ng ilang netizens sa kasal ng celebrity couple na sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz

Matapos kasing magulantang sa ulat tungkol sa tila biglaang pag-iisang dibdib nina Nash at Mika ay lumutang ang edited pictures ng huli kung saan makikitang nasa likod ng ulo nito si Kapuso star Barbie Forteza.

Base ito sa titular character ng Kapuso teleserye na “Kara Mia” na kapuwa pinagbidahan nina Barbie at Mika noong 2019. Kuwento ito ng magkapatid na kambal na may dalawang mukha at nagsasalo sa iisang katawan.

“Tiisin molang Barbie Kasal naman ng kapatid mo,” saad ng isang netizen na nagngangalang Kenneth Marcelo sa kaniyang Facebook post kung saan makikita ang larawan ni Mika na nakatalikod habang nakaharap naman ang kay Barbie.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Umani ng samu’t saring reaksiyon ang naturang post mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sukob ang kasal?"

"Buti nalang pag honeymoon, nakatalikod si Cara. 🥴"

"I cannot bwahahahahahaha paghiwalayin nyo na bago umabot sa Honeymoon pls lang 🤣🤣🤣"

"Imagine habang nag aano"

"Oke lang sya, Kinukutuhan nya kasi eh"

"Pano kaya Sila magha honeymoon"

“Kaya siguro nangitim si Barbie jan kasi na sama a Plantsa na dapat ay sa buhok lang😐”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 14k reactions at 7.8k shares ang naturang post ni Kenneth.

MAKI-BALITA: Nash Aguas, Mika Dela Cruz ikinasal na!