Tila hindi natinag ang kontrobersiyal na content creator na si Tito Mars sa mga batikos na natanggap niya sa "eating challenge" niya sa de-latang sardinas at bagoong na dalawa sa mga tipikal na kinakain ng masa.

Sa bagong upload na video, ipinakita naman niya ang pagkain ng sikat na sikat na balut o incubated duck egg.

Sa caption pa lang ay tila may patikim na si Tito Mars na hindi niya magugustuhan ang pagkain nito.

"May HAIRRRRRR. Hindi ko malunok yung BABY DUCKKKKK 😭🐣," aniya.

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

Kumasa raw siya sa challenge ng kilalang online personality na si "Senyora."

Sa halos 9 na minutong video ay ipinakita ni Tito Mars ang paglantak niya sa balut subalit tila hindi niya rin ito nagustuhan dahil sa kaniyang facial expression na mangiyak-ngiyak.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Kunyari lng yan si tito mars dalang dala nmn kayong mga viewers syempre acting lng pra mabwisit kayong lhat pero ang totoo kinakain nya lhat yan."

"Pano kaya mahandle ni tito mars yung mga comment. HAHAHAHAHHAAHAHA"

"I know what you're doing. Ang masasabi ko lang, you have nerves of steel."

"Sa mga umuusok ang bunbunan dito kay Tito Mars, I'm pretty sure na strategy nya toh para trumending at dumami ang views. Naalala nyo ung vlogger before na si Buknoy ba un? Ung mas lalo nya iniinis mga veiwers para mas tumaas ung views or engagements? Ganitong ganito un! Sabi nga nila, good or bad publicity is STILL a publicity. Kaya kahit ibaon pa natin toh sa inis natin 😅 sa bandang huli etong vlogger parin na ito ang panalo kasi kumikita sya while parami ng parami ung views nya sa mga naiinis at nagagalit sknya. See, ilang days palang simula nung ginawa nya ung mga ganitong vids pero laging thousand views agad sya? 😅 So kayo na bahala magdecide kung maha high blood kayo or lalo nyo sya pasikatin sa tactics nya at lalong kumita sa mga vids nya na toh 😅 PS: tignan nyo, napansin na sya ni Senyora so asahan nyo na mas lalo gaganahan yan na mag upload ng mga food kyemerut 😅 so relax lng kyo."

Samantala, naglabas na ng pahayag si Tito Mars patungkol sa kaniyang sardines eating challenge.

MAKI-BALITA: Tito Mars: ‘Di ko binabastos pagkain ng mahihirap!’

Bagama't walang tinukoy na pangalan, nagbigay naman ng reaksiyon ang Kapuso comedy star at TV host na si Pokwang tungkol sa content na ginagawa kadiri o pinandidirihan ang sardinas, na isa sa mga karaniwang "to-go" food ng pangkaraniwang mamamayanng naghihirap.

MAKI-BALITA: ‘Very evil!’ Pokwang ibinida pagkain ng sardinas, patutsada kay Tito Mars?