Tinagurian ng director na si Ronaldo Carballo bilang “makatuturang love team of the year” ang “What’s Wrong with Secretary?” lead stars na sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Sa kaniyang Facebook post kamakailan, ibinahagi ni Ronaldo ang dahilan kung bakit umano “makatuturan” ang tambalan nina Paulo at Kim.

“Hindi lang sila basta nagpapakilig. Mahuhusay silang mga aktor. Grabe ang impact ng kanilang chemistry sa ‘Linlang’ teleserye version gabi-gabi,” saad ni Ronaldo.

Kaya sana raw ay kalimutan na ni Kim ang ex-jowa niyang si Xian Lim at huwag na muling magpagamit dito lalo na ngayong namamayagpag ang kaniyang pangalan sa showbiz industry.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Sana kalimutan na ni Kim ang ex-boyfriend niyang si Xian Lim at ‘wag na siyang muling magpagamit sa hambog na unfaithful ham actor na ito,” pahayag ng direktor.

“Hindi na dapat pumayag si Kim sa plano ng GMA7 na pagtambalin sila ni Xian in a teleserye. Obviously, gagamitin lang si Kim para iangat ang lugmok at hindi umangat-angat na career ni Xian,” aniya.

Dagdag pa ni Ronaldo: “Ang taas-taas na ng career ni Kim as an actress ngayon. ‘Wag na siyang pumayag na hilahin na naman siya ni Xian pababa.

Anyway, ipapalabas na sa free tv ang “What’s Wrong with Secretary Kim?” sa darating na Mayo 25 at 26. 

Mapapanood ito tuwing Sabado sa Kapamilya Channel at A2Z tuwing 7:15 pm at 7 pm naman kapag Linggo. Samantala, 8 pm naman sa TV5 kapag Sabado at 8:15 pm naman kapag Linggo.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, nahiya at kinabahan sa tukaan nila ni Paulo Avelino

MAKI-BALITA: Kim sa ‘tukaan’ nila ni Paulo: ‘Baka ‘pag inulit-ulit, kami na!’