Napukaw ang atensyon ng mga netizen dahil sa flinex na passport ID pictures ni Kapuso star Bianca Umali sa social media account nito.

Sa latest Instagram post ni Bianca nitong Sabado, Mayo 18, makikita ang mga nasabing larawan kung saan makikita ang tila natural niyang ganda.

“Passport-ID.jpeg,” saad niya sa caption ng kaniyang post.

Humanga ang mga netizen dahil kahit naka-zoom in at walang koloreteng nakalagay sa mukha ay parang fresh na fresh pa rin si Bianca. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Ito ‘yung tunay na maganda hindi ‘yung mga nagfeflex ng passport id nila na naka full make up naman”

“Kendall Jenner gaming🥹🫶 so prettyyyyy”

“Woow sana all na khit walang make up ganda pa rin😍😍”

“Ang Preysshhhhh ❤️”

“Nagpa passport id din ako eh. Pero di ganyan kaganda”

“grabeng face card naman yan 😍”

“Apaakaaaa ganda!!!! ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️”

“Ganito dpat e. Walang eme sheesh! Ang prettyyyyyy”

“So fresh!”

“Face card🔥🔥🔥🔥”

“Ang Ganda naman for a passport picture lang”

Pero syempre hindi rin nagpahuli ang jowa ni Bianca na si Ruru Madrid sa pagbibigay ng compliment sa kaniya.

“Hi ganda! 😍” bati ng aktor.

Matatandaang sa isang panayam noong Nobyembre 2023 ay ibinahagi ni Ruru kung paano siya pinatino ni Bianca.

MAKI-BALITA: Ruru Madrid, pinatino ni Bianca Umali