Nakakaloka ang mga netizen sa kanilang obserbasyong halos mag-isang taon na raw at sobra-sobra na sa siyam na buwan ang pagbubuntis ni "Camille" sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo."

Hanggang ngayon kasi ay nagdadalantao pa rin ang karakter na ginagampanan ni Yukii Takahashi, Filipina-Japanese internet celebrity na pinasok na rin ang pag-arte, at naging love interest ng karakter ni McCoy De Leon na si "David" na isa sa mga kontrabida sa serye.

Sa tagal daw kasi ng phasing ng istorya ng Batang Quiapo, hanggang ngayon daw ay buntis pa rin si Camille, at baka maunahan pa raw siya sa panganganak ni "Lena," ang karakter na kabet ni John Estrada na gumaganap naman bilang "Rigor."

Kaya kantiyaw ng mga netizen kay Coco, paanakin na raw si Camille dahil kung tutuusin, masyado na raw "overdue" ang pagbubuntis nito.
Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room