Nakakaloka ang mga pangyayari sa "FPJ's Batang Quiapo" lalo na sa sitwasyon ng mga karakter nina John Estrada, Cherry Pie Picache, at Mercedes Cabral.

Pinatira na kasi ni Rigor (John Estrada) ang kaniyang kabet na si Lena (Mercedes Cabral) sa bahay nila ng legal wife na si Marites (Cherry Pie Picache) kaya literally ay magkakasama na silang tatlo dahil nga buntis na ang third party.

Paligsahan ngayon ang dalawang babae para sa atensyon ni Rigor, lalo na pagdating sa pagluluto ng pagkain sa bahay.

Nakakaloka lang dahil windang na windang ang mga netizen at manonood sa mga pangyayari; may ilang hindi naniniwalang posible itong mangyari sa tunay na buhay, at may ilan namang nagsasabing may mga kakilala silang ganoon talaga ang set-up.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Kuhang-kuha ng tatlo ang gigil ng mga netizen dahil pare-pareho silang "nakakainis" sa kani-kanilang mga karakter.

Si Rigor bilang representasyon ng "machismo" na walang pakialam sa damdamin ng mga babae, masunod lang ang kaniyang ego.

Si Marites na kumakatawan naman sa mga "martir" na misis na ayos lang na pinipindeho na sila nang harap-harapan ng mga mister nila subalit pinipili pa ring manatili sa piling nila.

At si Lena na obviously, wala nang pakialam sa integridad at delicadeza niya, at mas matapang pa sa legal na asawa.

Darating kaya sa puntong magkakasundo ang dalawang babae laban kay Rigor? Abangan!

MAKI-BALITA: Cherry Pie Picache, kinaladkad at ipinahiya si Mercedes Cabral