Hindi nakapagtimpi ang Kapuso star na si Heart Evangelista sa nakakainsultong komento ng isang netizen tungkol sa kaniya.

Sa isang TikTok video ni Heart kamakailan ay inihayag niya ang saloobin kaugnay sa komento ng naturang netizen na nagsabing maganda lang daw siya dahil walang anak. 

"Wait lang, ha. Napipikon ako sa 'yo, a. Please comment with your real account, please. So I can address you properly," saad ni Heart.

"But since you didn't use your real account, I cannot address you properly, and I will not address you properly. My dear, it's already 2024. I have lost four babies already,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa niya: “Darling, nag-eeffort po akong magpaganda and I live a very grateful and peaceful life that makes a big difference and every day po akong nag-dederma kaya ako fresh."

Matatandaang noong mismong Mother’s Day, Mayo 12, ibinunyag ni Heart na muli raw silang nawalan ng ikaapat na angel ng asawa niyang si senador Chiz Escudero sa pamamagitan ng isang social media post.

MAKI-BALITA: ‘4th angel’ sana nina Heart at Chiz, nawala ulit