Usap-usapan ang paninita ng dating singer-actress na si Mystica sa sikat na social media personality at paresan owner na si Diwata.

Sa pamamagitan ng kaniyang Facebook, sinita ni Mystica ang napapansin daw niya kay Diwata.

Kapag daw hindi kilala o karaniwan lang ang mga dumarayo sa kaniya para magpa-picture, halos hindi raw pansinin ni Diwata at "tinatarayan" pa at sasabihing pagod siya at abala sa trabaho sa paresan.

Subalit kung sikat daw at nagbibigay ng regalo sa kaniya ay mainit niyang tinatanggap.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Unsolicited advice ni Mystica kay Diwata, since nasa food industry siya ay mas unahin at asikasuhin niya ang kalinisan at sanitation ng lugar ng kinakainan ng mga tao.

Nadudugyutan daw kasi siya sa lugar at nilalangaw-langaw pa ito, kaya hindi raw siya naiinggit sa paresan ni Diwata.