Nakakaloka ang sinabi ni “It’s Showtime” Kim Chiu tungkol sa kissing scene nila ng co-star niyang si Paulo Avelino sa “What’s Wrong With Secretary Kim.”

Sa panayam kasi ni broadcast-journalist MJ Marfori nitong Biyernes, Mayo 17, ay nagbiro si Kim na kung tumagal daw ang tukaan nila ni Paulo sa loob ng cabinet ay baka maging sila na.

“Syempre nakakakaba gawin ‘yong eksena na ‘yon. Saka para nahiya rin ako as dalagang Pilipina. Medyo nahihiya ako,” saad ni Kim.

“Pero inano ko na lang sa kung ano ‘yong…para hindi na kami ulit-ulit. Baka ‘pag inulit-ulit ‘yon kami na. Joke lang,” wika pa niya sabay tawa.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Dagdag pa niya: “Parang one time big time na natin. Ibigay na natin ‘to para mas maganda naman na mag-edit ng bawas kaysa kulang.”

Mapapanood pa rin hanggang ngayon ang “What’s Wrong With Secretary Kim” sa online streaming platform na Viu.