Ikinuwento ni “It’s Showtime” host Kim Chiu ang naramdaman niya sa likod ng nag-viral na eksena nila ng co-star niyang si Paulo Avelino sa “What’s Wrong With Secretary Kim.”

Sa panayam ni broadcast-journalist MJ Marfori nitong Biyernes, Mayo 17, sinabi ni Kim na nakakakaba at nakakahiya raw gawin ang naturang eksena sa serye.

“Syempre nakakakaba gawin ‘yong eksena na ‘yon. Saka para nahiya rin ako as dalagang Pilipina. Medyo nahihiya ako,” saad ni Kim.

“Pero inano ko na lang sa kung ano ‘yong…para hindi na kami ulit-ulit. Baka ‘pag inulit-ulit ‘yon kami na. Joke lang,” wika pa niya sabay tawa.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Dagdag pa niya: “Parang one time big time na natin. Ibigay na natin ‘to para mas maganda naman na mag-edit ng bawas kaysa kulang.”

Anyway, ang eksenang tinutukoy ni Kim ay ang kissing scene nila ni Paulo habang nasa loob ng cabinet na talagang namang kinawindangan at kinakiligan ng fans.

Mapapanood pa rin hanggang ngayon ang “What’s Wrong With Secretary Kim” sa online streaming platform na Viu.