Agad na sinagot ng social media personality at paresan owner na si Diwata ang mga patutsada sa kaniya ng dating singer-actress na si Mystica, na ngayon ay nagtatrabaho na sa Amerika.

Paratang kasi ni Mystica, tila lumaki na raw ang ulo ni Diwata pagdating sa pagpapa-picture sa fans na sumasadya sa kaniyang paresan at talagang dumarayo para lang magpakuha ng larawan sa kaniya at makita siya sa personal.

Pansin daw ni Mystica, kapag karaniwang tao lamang daw ang magpapa-picture ay tinatarayan nito, ngunit kapag sikat na influencer o binibigyan siya ng regalo, ay kaya nitong gugulin ang oras para lang estimahin sila.

Pero kapag commoner daw, ikinakatwiran daw ng paresan owner na marami raw siyang ginagawa at abala sa kaniyang negosyo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Isa pa, dapat daw asikasuhin ni Diwata ang sanitation ng kaniyang paresan dahil dugyot daw ito at nilalangaw pa.

Sey naman ni Diwata, wala siyang pakialam kay Mystica dahil hindi naman daw sila magkakilala nang personal dahil ang mas mahalaga raw sa kaniya ay pag-aasikaso sa kaniyang negosyo.

Sa palagay raw ni "Blogger ng Bayan" na nagtanong sa kaniya ay sumasakay lang sa kasikatan niya ngayon si Mystica dahil laos na siya.

"Ang alam ko lang kasi laos na 'yan eh, matagal na... hayaan mo lang siya. Hindi naman siya importante sa buhay ko. Bakit ko siya iintindihin. Ang importante sa akin business ko," saad ni Diwata ng kapanayamin ng blogger.

"Para pag-usapan na naman siya kasi wala na eh. Oo, laos na."

Giit pa ni Diwata, hindi naman daw siya namimilit kung sino ang mga kakain sa kaniyang paresan.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Mystica tungkol sa naging reaksiyon ni Diwata laban sa kaniya.

MAKI-BALITA: Mystica inokray paresan ni Diwata: dugyot na, nilalangaw pa