Nagbigay ng pasintabi ang aktres na si Shaira Diaz sa mga couple na ginagawa ang premarital sex matapos niyang ilahad ang pananaw niya tungkol sa celibacy.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Mayo 17, isiniwalat niya ang dahilan kung bakit hindi pa rin niya isinusuko ang “bataan” sa fiance niyang si EA Guzman.

“Ako gusto ko talaga, dahil naniniwala ako, ino-honor ko talaga po ‘yong mga binigay kong salita sa magulang ko. ‘Yong mga binigay nila sa aking advice,” lahad ni Shaira

Dagdag pa niya: “Syempre, sa Bible din po. Parang ‘yon po, ‘di ba. ‘Yon naman talaga na dapat walang gan’to [sex] before marriage.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Gayunpaman, wala raw problema para kay Shaira ang mga couple na nagtatalik na agad kahit hindi pa kasal.

“Wala talaga akong against sa mga hindi gumagawa no’n [celibacy]. Siguro sa akin talaga, choice ko talaga na gusto ko na i-save ‘yon sa kasal namin,” saad niya.

Matatandaang sa naunang panayam nina Shaira at EA sa “Fast Talk” inamin na huli na dumating daw sa punto na tila nahirapan siyang tiisin na walang nangyayari sa kanila dalawa.

Pero napagtagumpayan pa rin ni EA na tiisin ang nararamdamang bugso ng damdamin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya “nagagalaw” si Shaira.

MAKI-BALITA: Kahit hirap na ang jowa: Shaira Diaz, ‘di pa rin isinusuko ang ‘bataan’

In fact, sa isang panayam kay showbiz insider Ogie Diaz, inamin ni EA na isang taon na raw siyang nagbabate dahil gusto rin daw niyang i-save ang semilya niya sa mismong kasal nila ni Shaira.

MAKI-BALITA: EA Guzman, isang taon nang hindi nagbabate