Isang magnitude 4.5 na lindol ang yumanig sa probinsya ng Davao Oriental nitong Sabado ng umaga, Mayo 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:45 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 96 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 111 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.