Doble-dobleng pasensya ang ibinibigay ngayon ng social media personality na si Vince Flores para sa partner nitong nagbubuntis na si Toni Fowler.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Mayo 17, ikinuwento ni Vince kung kailan nagsimula ang pagiging topakin ng partner niya.

“Nagsimula siyang topakin no’ng nagtataas ako ng boses, no’ng pumapatol ako sa kanya. E, siyempre ‘pag buntis double emotion 'yan, siya at yung baby, kasi sumasagot ako," saad ni Vince.

Kamakailan kasi ay tila nagulantang ang buong social media platform matapos ibahagi ni Toni ang isang cryptic post na tila pahiwatig na hiwalay na sila ni Vince.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

MAKI-BALITA: Back to single mom: Toni Fowler at Vince Flores, hiwalay na?

Pero nang sumunod na raw ay nag-post din naman si Vince sa social media accounts nito para linawing nagkaayos na sila ni Toni na tinopak lang daw dahil sa pagbubuntis nito.

MAKI-BALITA: Vince Flores, pinatawad na ni Toni Fowler

MAKI-BALITA: Mood swings ni buntis? Toni Fowler, tinopak lang

Kaya naman, napagtanto raw ni Vince na kailangang maglaan daw siya ng napakahabang pasensya dahil sa mood swings ni Toni.

Pero ayon sa kaniya: “Kung minsan talaga hindi mo na maiwasang pumatol kasi halo na ‘yong pag-aalala mo, ‘yong iniisip mong protektahan siya, pero minsan ‘yong actions ko hindi pagprotekta ‘yong nangyayari, e.”

“Akala ko naproprotektahan ko siya, pero ang nangyayari pala mas nagiging worse ‘yong situation. Wala akong ibang gagawin kundi tanggapin yung sinasabi niya,” dugtong pa ni Vince.

Samantala, sa parehong ulat ay ibinahagi naman ni Toni na tila hindi raw masaya siya masaya sa ikalawang pagkakataon ng pagdadalang-tao niya.

MAKI-BALITA: Toni Fowler, stress sa kaniyang second pregnancy

Sa kasalukuyan, apat na buwan na umanong pinagbubuntis ni Toni ang baby nila ni Vince. Matatandaang inanunsiyo ng huli ang tungkol dito noon lamang Marso.

MAKI-BALITA:  Toni Fowler, Vince Flores magkaka-baby na!