Handa na raw makipagsundo ang komedyanteng si Dennis Padilla sa estranged wife niyang si Marjorie Barretto ayon kay showbiz columnist Cristy Fermin.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” nitong Huwebes, Mayo 16, sinabi ni Crisy na natutuwa raw siya kay Dennis sa pagiging bukas nito sa pakikipag-ayos kay Marjorie.

“Ako’y natutuwa dahil napakabukas ng puso at isip ni Dennis Padilla tungkol sa pakikipag-ayos, pakikipagsundo, pakikipag-usap kay Marjorie Barretto. Napakaganda nito,” lahad ni Cristy.

“Kasi hindi naman pupuwedeng laging ganito ang sitwasyon. Ang nagsa-suffer dito—hindi man sila nagsasalita—may lungkot po ang kanilang tatlong anak sa ganito,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Melai Cantiveros, itinangging niloko siya ni Jason Francisco

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Saka pareho na naman silang naka-move on. Si Dennis nga mayro’n nang bagong karelasyon pero nagkahiwalay rin sila. Si Marjorie naman ay mayro’n din.”

Matatandaang nag-approach na ang isa sa mga anak ni Dennis kay Marjorie na si Julia Barretto nang mag-birthday siya noong Pebrero.

Pero bago pa man ito ay ilang beses muna siyang dinedma ng mga anak niya sa aktres sa tuwing babati siya sa mga ito sa mahahalagang okasyon gaya ng kaarawan.

MAKI-BALITA:  Dennis Padilla, umasa pa lang mababati man lang ng mga anak kamakailan: ‘Total Pasko naman’ – Balita

MAKI- BALITA: Dennis Padilla, muling binati ang mga anak nitong Bagong Taon; mga Barretto, dedma muli

MAKI-BALITA:  Dinedma pa rin: Dennis Padilla, binati online ang mga anak ngayong Pasko – Balita