Tila nainip na raw ang “It’s Showtime” host na si Anne Curtis sa paghihintay na mabuo ang movie project na ibinigay umano sa kaniya.

Sa latest episode ng “Marites University” nitong Huwebes, Mayo 16, pinangalanan ni showbiz insider Ambet Nabus ang pelikulang ito na hinihintay ni Anne.

“Noong makausap ko ‘yong isang malapit kay Anne, 2 years na pala siyang nag-aabang do’n sa sequel no’ng [Buy Bust] under Direk Erik Matti,” saad ni Ambet.

“Saka parang may kasunduan na hindi muna siya ulit magpapabuntis gawa nga ng ang ganda ng naging reception do’n sa unang action movie niya na ‘Buy Bust,’ wika niya. 

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

Ang kaso raw, nainip daw si Anne ayon kay Ambet: “Kasi ‘di ba papalit-palit daw ng script. Hanggang sa nainip na itong si Anne. Ito tinanggap niya ang isang Korean adaptation.”

Ang tinutukoy na adaptation ni Ambet ay ang patok na K-Drama series na “It’s Okay Not To Be Okay.” Matatandaang nauna nang ianunsiyo ang tungkol dito sa isang ulat ng ABS-CBN News noong Disyembre 2023.

MAKI-BALITA: Joshua, Anne, Carlo gaganap sa PH adaptation ng ‘It’s Okay To Not Be Okay’