Tila road to forever na ang celebrity couple na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon batay sa umuugong na kuwento tungkol sa relasyon nilang dalawa.

Sa isang episode kasi ng “Cristy Ferminute” nitong Huwebes,  Mayo 16, iniulat ni showbiz columnist ang tungkol sa pagpapakasal umano nina Carlo at Charlie.

“May balita na nakahanda na silang magpakasal. Ang pamilya pala nitong si Charlie Dizon halos lahat ay nasa Amerika na. Siya na lang at ilang kamag-anak ang naiwan dito sa Pilipinas,” lahad ni Cristy.

“Pero si Carlo Aquino, napakamarespeto. Noong maging sila na ni Charlie, nagpunta siya at nagsadya sa pamilya ni Charlie para ipaalam. Para bang pamamanhikan,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Ayon pa sa showbiz columnist, tila wala raw siyang nakikitang problema sa planong pag-iisang dibdib ng dalawa kahit pa nagkaroon ng anak si Carlo sa dati nitong jowang si Trina Candaza.

Matatandaang Abril 2022 nang kumpirmahin mismo ni Carlo na hiwalay na sila ni Trina nang hindi binanggit ang dahilan.

Samantala, habang isinisulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag sina Carlo at Charlie para kumpirmahin o pabulaanan ang naturang balita.