Isang video teaser ang inilabas ng ABS-CBN Film Production Inc. sa kanilang Facebook account nitong Huwebes, Mayo 16.

Sa video teaser ay kapuwa makikita ang logo ng Star Cinema at GMA Pictures bilang pahiwatig sa kanilang kolaborasyon para sa isang bagong pelikula.

“See you all on May 19, Sunday, 6 PM MNL time,” saad sa caption ng post.

Hindi naman napigilan ng mga netizen na ma-excite lalo na’t tila may ideya na sila kung anong pelikula ang bubuuin ng Star Cinema at GMA Pictures. Ito rin kasi ang kauna-unahang pagkakataon na magsasanib-pwersa ang dalawang production company. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

“Nko pag HLG part 2 dadami ang maraming eye bag nito dhil hindi pa mag shoshooting sigurado daming ayuda hindi ko talaga palalampasin mag fefeeling bata ako nito😁😍😍😍#kathden💞💞”

“Yung mga naka heart sa post ng star cinema sa Ig, mga friends ni Kath plus, mga kasamahan niya sa HLG. grabeeeeee plus yung font ng finally uyyyy! #mykathdenheart”

“Nku cgrdo ubosan ng ticket..another blockbuster nmn...pag ipunan kona pambili ng ticket nyo..congrats Queen kath”

“Sana Pag Gising Ko Mamaya Linggo nah Agad 😂😂KATHDEN 🙏🏻🙈”

“Finally...ito na ung wish ko ng mtgal hello love goodbye part2 tuloy na.Diehard fan ako ni kath...Thank You Lord”

“Ahhh malakas kutob ko HLG part 2 na this..😍 Can't wait #KathDen🥰💕”

Matatandaang kamakailan lang ay nagbigay si Asia’s Multimedia Star Alden Richards ng pahayag tungkol sa sequel ng “Hello, Love, Goodbye.”

MAKI-BALITA: Alden Richards, hoping sa sequel ng ‘Hello, Love, Goodbye’

Pero bago pa man ito ay naaamoy na raw ng mga netizen na sinisimulan na itong “lutuin” dahil sa Instagram post ni Direk Cathy Garcia-Sampana. 

Matutunghayan doon ang kaniyang kuhang video sa Hong Kong International Airport kasama si Star Cinema's Creative Head Carmi Raymundo.

“Nostalgic… hihi,” saad niya sa caption.

MAKI-BALITA: Netizens, ‘naaamoy’ na ang part 2 ng ‘Hello, Love, Goodbye’

Matagal na kasi talagang hinihirit ng fans na sundan na ang nasabing pelikula at ngayong single na si Kathryn ay lalong lumalakas ang panawagang ituloy ito. 

MAKI-BALITA: Fans ng ‘Hello, Love, Goodbye’ nina Kathryn Bernardo, Alden Richards, hirit na ang sequel