Isang Caviteño ang solong nagwagi ng ₱74.7 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO nitong Biyernes, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang winning combination na 11-23-05-22-24-03 na may katumbas na jackpot prize na ₱74,759,118.80.

National

Laborer mula sa Cavite, kumubra ng ₱46-M Mega Lotto jackpot!

Nabili umano ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Dasmariñas City.

Upang makubra ang kanyang premyo, pinayuhan ni PCSO General Manager Mel Robles ang lucky winner na magtungo lamang sa kanilang punong tanggapan.

Kailangan din umano nitong iprisinta ang kanyang winning ticket at dalawang balidong government IDs.

Mayroon lamang isang taon ang lucky bettor upang kubrahin ang premyo, mula sa petsa nang pagbola dito, upang hindi ito mapunta sa kawanggawa.

Nagpaalala rin ang PCSO na ang lahat ng lotto winnings na lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax, sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Samantala, kinubra rin ng laborer na mula rin sa Cavite ang napanalunang mahigit ₱46 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola noong Abril 22, 2024.

BASAHIN: Laborer mula sa Cavite, kumubra ng ₱46-M Mega Lotto jackpot!