Tila pinapanindigan talaga ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto ang sinabi niyang ipaglalaban habambuhay ang mister na si Nonrev Daquina. 

Ilang netizens kasi ang nagkomento sa latest Instagram post ni Angeline na tila naguguluhan sa kung ilan ba talaga ang totoong anak ni Nonrev sa una nitong partner.

“Sa LAHAT Ng nag popost sa social media ate angge tungkol sayu naiiyak talaga Ako sa LAHAT Ng nabasa ko,bakit kaya sila ganyan Hindi nmn nila alam Ang buong pagkatao sa isang tao🥺😭”

“Yan Kasi...wrong info pa..kahitlima pa anak ni nonrev sa iba kung mahal nya si Angge Wala tayong karapatang husgahan Siya .....😍😍”

Relasyon at Hiwalayan

Melai Cantiveros, itinangging niloko siya ni Jason Francisco

“Ndi m masisi public figure si angge tas yung guy may history na 4 na panganay,,sana nga iba sya,,bka mmya in the end mgrant dn sya kagaya ke pokie”

Pero paglilinaw ni Angeline: “I'm sorry, dalawa lang ang naging unang anak niya sa una.”

Photo Courtesy: Screenshot from Angeline Quinto (IG)

Matatandaang sa mismong Instagram post na ito inihayag ni Angeline ang madamdamin niyang mensahe para sa mister.

MAKI-BALITA: Angeline Quinto, habambuhay ipaglalaban ang asawa

Ito ay matapos umanong kuwestiyonin ng mga tao ang kapasidad ni Nonrev na magsustento sa Kapamilya singer.

MAKI-BALITA: Mister ni Angeline Quinto, ‘di kayang magsustento?

Pero ilang beses nang pinabulaanan ni Angeline ang isyung ito na palaging iniuugnay sa kaniyang asawa kahit noong hindi pa sila kasal.

MAKI-BALITA: Solong naghahanapbuhay? Angeline Quinto, dinepensahan ang fiancé sa mga malisyusong intriga

MAKI-BALITA: Jowa ni Angeline Quinto, inaakusahang namemera lang daw; singer, nagsalita na