Nakapanayam ng "Pikapika PH" ang direktor na si Darryl Yap patungkol sa pinag-usapang pagkikita nila ni Popstar Royalty Sarah Geronimo-Guidicelli.

Natanong ang direktor kung kumusta naman ang pagkikita nila ni Sarah kamakailan, na nagbigay ng espekulasyon sa netizens at fans na baka magbabalik-pelikula na ang singer-actress.

Pareho silang nasa ilalim ng Viva kaya hindi posibleng maging direktor ni Sarah si Darryl.

Pag-amin ni Darryl, na-shookt at tila na-trauma daw si Mrs. Guidicelli nang ilatag niya ang tatlong proyekto para sa kaniya.

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

"Well, my meeting with Sarah G was very funny, Sarah wanted to have a very unique [movie]," sey ng direktor.

Hindi na raw alam ni Direk Darryl sa Viva bosses kung ano na ba ang nangyari sa mga nakalinya sanang movie project kay Sarah. Basta't nang narinig daw nila sa Popstar Royalty na gusto niya ng kakaiba, sa kaniya raw pina-meeting ito.

"Pagkaupo ko, hinawakan ko kamay ni SG, sabi ko 'SG gusto mo bang gawin 'to? Direk, papakinggan ko lang. Sabi ko 'Oo parang di mo pa kaya mag-Darryl Yap. She's a very talented actress, but you know, my field... paano ba... I think she's not ready when it comes to the legalities that involve her contract..." saad pa ng direktor.

"Alam mo naman 'pag sa akin nagtrabaho, medyo magaspang ang words, kakaiba 'yong ano, very raw. So I don't think it will happen. No'ng narinig niya 'yong tatlong pinitch ko, siguro mga three minutes siyang nakanganga...."

Sabi raw sa kaniya ni Sarah, "Grabe direk, na-trauma ako!"

May gagawin daw pelikula sina Sarah at mister niyang si Matteo Guidicelli subalit definitely raw ay hindi siya ang magiging direktor.