Nagpaalala ang Meralco sa publiko hinggil sa nagte-trending na “bill reveal challenge” kung saan ipino-post ng mga customer ang larawan ng bill ng kanilang kuryente ngayong tag-init.

Sa isang X post nitong Huwebes, Mayo 16, sinabi ng Meralco na hindi dapat inilalabas ng mga customer ang kanilang kanilang Customer Account Number (CAN) at iba pang nakalagay sa kanilang electric bill.

Ito ay dahil maaari raw gamitin ng mga “masasamang loob” ang kanilang mga impormasyon.

“Mag-ingat sa ipinapakita sa social media accounts,” paalala ng Meralco.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Pinapahalagahan ng Meralco ang proteksyon ng mga personal na impormasyon ng mga customer,” saad pa nito.

Nagte-trending sa social media ang “bill reveal challenge” dahil sa inaasahan daw na pagtaas ng electric bills ng ilang mga customer. Ito ay bunsod na rin umano ng malimit na paggamit ng pangpalamig na appliances, tulad ng aircon at electric fan, ngayong tag-init.