Patay ang isang magsasaka sa Northern Samar matapos umano siyang suwagin ng kaniyang alagang kalabaw.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak ng GMA News, nasawi umano ang 42-anyos na magsasaka sa suwag ng kaniyang kalabaw habang nasa bukid sa Barangay San Andres, Las Navas, Northern Samar.

Dagdag pa ng ulat, maghapon umanong pinag-araro ng magsasaka ang alagang hayop.

Inihayag umano ng pulisya na posibleng matinding init ang nagbunsod sa kalabaw kaya’t naging agresibo ito at sinuwag ang magsasaka.

Probinsya

₱100k pabuya, ikinasa para sa hustisya ng 3 goat dealer na pinatay sa Maguindanao