Nagpapasalamat daw si Queen of All Media Kris Aquino sa lahat ng mga taong patuloy na nagdarasal para sa agarang pagbuti ng kaniyang kalusugan.

Sa Instagram post ng entertainment writer na si Dindo Balares, sinabi ni Kris na maganda raw ang respond ng katawan niya sa autoimmune medicine na tine-take niya sa chemotherapy.

Kahit daw mataas ang cholesterol ng kaniyang puso, bagay na genetic sa pamilya nila, mukhang okay naman ang katawan niya sa gamutan niya ngayon. Nakatulong din kay Kris ang sariwang hangin sa Newport Coast sa California, USA.

"Muli, maraming-maraming salamat po sa prayers, pagmamahal at malasakit para kay Krisy," saad ni Dindo sa dulo ng kaniyang Instagram post.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sa isa pang Instagram post, sinabi rin ni Dindo na bumabalik na raw ang gana at takam ni Kris sa pagkain.

Senyales na raw ito na unti-unti ay bumubuti na ang kalusugan ng isang taong may sakit.