Nagpaalala ang Asia's Multimedia Star at Box-Office King na si Alden Richards sa mga kumakalat na X post na sinabi raw niya laban sa dating karelasyon ni Kapamilya Star Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla.

Sa ulat ng "24 Oras," sinabi ni Alden na wala siyang sinasabing kahit na anumang defamatory words laban kay Daniel o sa kahit na sino, kaya huwag daw sanang maniniwala ang mga netizen sa mga edited screenshots ng social media post daw niya.

Ani Alden, wala siya sa posisyon para magkomento sa naging relasyon ni Kathryn kay Daniel.

"Kahit kailan po hindi ako magko-comment ng kahit anong defamatory words to someone na hindi ko naman masyadong nakakasama at wala naman akong karapatan na manghusga sa taong tinutukoy do'n sa mga fake tweets na kumakalat," aniya.

Tsika at Intriga

Raquel niyabang katotohanan; 'All By Myself' ni Charice, di pa nahihigitan

Huwag daw agad paniwalaan ang anumang nakikita o nababasa online lalo't talamak ang paggawa ng fake news at maging fake social media posts.

"Ingat lang po tayo sa fake news, dahil ang social media po ay pugad ng fake news, so, not until 'yong mga official accounts po ng mga artista ang nag-post ng mga tweets na mga kumakalat diumano, eh huwag po natin agad paniwalaan at mag-fact check po muna tayo bago tayo mag-call out ng judgment," dagdag pa ng aktor.

Pagdating naman sa tsikang nililigawan na raw niya si Kathryn, ayaw na raw munang magsalita ng Kapuso Star dahil mas bet niyang personal at pribado na muna ang tungkol sa kanilang dalawa.