Malungkot na ibinahagi ng beauty queen-actress na si Rabiya Mateo ang pag-exit niya sa countdown variety show na TiktoClock.

Sa ulat ng GMA News na inilathala noong Lunes, Mayo 13, sinabi ni Rabiya na sobrang blessed daw niya sa ibinigay na exposure ng naturang show.

“In terms of hosting, ‘yon nga po, with a heavy heart, katatapos lang po ng kontrata ko with TiktoClock. I'm very blessed for that exposure…Ako, I'm so proud of TiktoClock, nami-miss ko na rin po, actually, ‘yong mga co-host ko doon,” pahayag ni Rabiya.

“Pero gano’n talaga ang buhay—may mga desisyon, may mga path na nag-e-end. However, sana po in the future, mag-meet ulit kami,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa ngayon daw kasi ay gusto muna niyang ituon ang buong panahon sa pagpapahusay ng talento niya sa pag-arte lalo na ngayong magkakaroon siya ng special participation sa upcoming teledrama ng GMA na “Pulang Araw.”

“Mayro’n po akong special participation sa Pulang Araw. Hindi ko pa po mase-share ang role ko kasi it's a surprise. Pero bilang isang Pilipino po, nakaka-proud na somehow feeling ko nabalik din ako sa 1930 era,” lahad ni Rabiya.

“Ngayon, tina-try ko naman po ‘yong mga heavy drama, iyakan talaga. Siyempre, it takes a lot of practice para sa aspeto na ‘yon,” wika niya.

Dagdag pa ng beauty queen-actress: “Alam ko naman po na hindi ako nag-umpisa bilang magaling na magaling na talaga. But I'm willing to learn. Sana po mabigyan tayo ng role na mabibigyan ko rin ng justice.”

Matatandaang gumanap din si Rabiya bilang “Maria Makiling” sa afternoon primetime series ng GMA na “Makiling.”