Dumalo sina Cesar Montano at Sunshine Cruz sa graduation ng anak nilang si Chesca.

Ibinahagi ito ni Sunshine sa isang Instagram post nitong Miyerkules, Mayo 15.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Congratulations to our @chesca.montano! 👩‍🎓❤️🥹 We are so proud of you anak. 😘😍” aniya sa caption.

Marami naman ang bumati kay Chesca na nagtapos ng high school, at sa co-parenting nina Cesar at Sunshine.

“Kudos sa parents 😍 good co-parenting talaga. Kitang kita sa mga mata ng mga anak nyo ang saya 😍

“ok na rin to kesa mag away away pa. life is short naman”

“Mag Ex na walang hate sa Isat isa o bitterness. Nakaka inspire! I love you both! Congratulations!”

“Ang galing naman! No hurt feelings ang mga bagets pati parents especially si wify”

“This is the way it should be.. even if the mom and dad are already divorced, they should still be friends and get along as co- parents to their children.. it has a great impact on the well- being of the kids… congrats Sunshine and Cesar for making it through,and raising successful children!”

“Very nice family, lahat matino. At yung wifey ni Cesar ngayun super maganda na mabait pa. May God Bless this family always❤️

Matatandaan na naghiwalay ang showbiz couple noong 2013 at na-annul ang kanilang kasal noong 2018. Nagkaroon sila ng tatlong anak na babae na sina Sam, Angelina, at Chesca.