Ibinahagi ng Brazilian model-actress na si Priscilla Meirelles ang relasyon niya sa mga anak ni Kapamilya actor John Estrada sa ex-wife nitong si Janice De Belen.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Mayo 13, sinabi ni Priscilla na close raw siya sa mga bata bilang stepmom ng mga ito.

“I’m very close with the kids. We’re very close. I’m seeing them growing up. And then ang tawag nila sa akin ‘ate.’ Kasi medyo hindi malayo ‘yong age gap namin,” hayag ni Priscilla.

“And they’re very sweet. Every time I go to trials they are always there for me. They reach out and I appreciate that very much,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Dagdag pa niya: “They know that no matter what—whenever they need—I’m just here. I’m just a phone call away, a text away. I’ll be there for them.”

Samantala, kung relasyon naman daw nila ni Janice ang pag-uusapan, never daw silang naging malapit ayon kay Priscilla.

“Pero na-appreciate ko siya nang sobra kasi last year actually nag-reach out siya sa akin.  Woman to woman. She was very kind,” aniya.

Matatandaang matapos ang siyam na taong pagsasama bilang mag-asawa, nagkahiwalay sina John at Janice noong 2001. Nagkaroon sila ng apat na supling na sina Inah, Moira, Kaila, at Yuan.