Inamin ng showbiz columnist-commentator na si Cristy Fermin na gulat na gulat siya nang malaman ang isinampang cyber libel case sa kaniya nina Megastar Sharon Cuneta at mister nitong si Atty. Kiko Pangilinan.

Sa isang episode ng "Showbiz Now Na," sinabi ni Cristy na si Sharon daw ang kahuli-hulihang artistang maiisip niya at nasa dulo ng listahan, sa mga celebrity na posibleng masaling sa kaniyang mga ibinabalita at puwedeng magsampa ng demanda laban sa kaniya.

Noon daw kasing mga taong pre-pandemic ay nagkakausap pa sila ni Mega, at may mga pagkakataon pa raw na naiiyak pa ito sa kaniya.

Nahinto lamang daw ang pag-uusap ng dalawa nang maganap ang pandemya hanggang sa magtuloy-tuloy na nga sa halalan kung saan tumakbo ang mister nito.

Tsika at Intriga

Jennylyn Mercado, 'di susulutin ng ABS-CBN

Pagtatapat ni Cristy, hindi talaga niya nagustuhan ang naging banggaan nina Atty. Kiko at tatay-tatayan ni Mega na si dating Senate President Tito Sotto III sa posisyon ng pagka-pangalawang pangulo ng bansa.

Tantya ni Cristy, doon daw nagsimula ang naging isyu sa kaniya ng Megastar at ni Atty. Kiko.

Samantala, sa isang panayam ng press matapos ang paghahain ng cyber libel case kay Cristy, sinabi ni Sharon na hindi na niya kaya ang "below the belt" na tirada sa kaniya ng nabanggit na showbiz insider.

Nauunawaan naman daw ni Cristy kung anuman ang dahilan ng mag-asawa sa pagsasampa ng kaso laban sa kaniya.

MAKI-BALITA: Cristy nauunawaan sina Sharon, Kiko; cyber libel, hindi dapat ikahiya

MAKI-BALITA: Cristy sa demanda nina Sharon, Kiko: ‘Sino po kaya ang susunod?’

MAKI-BALITA: Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan kinasuhan si Cristy Fermin