Libu-libong nangangailangang public school students sa Maynila ang nabiyayaan ng financial assistance mula sa Manila City Government.

Mismong si Manila Mayor Honey Lacuna ang nanguna sa distribusyon ng financial assistance, kasama sina Manila department of social welfare chief Re Fugoso at Vice Mayor Yul Servo.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Nabatid na isinagawa ang distribusyon ng cash aid sa ilalim ng Educational Assistance Program (EAP) sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila.

Ayon kay Fugoso, aabot sa 1,663 estudyante, na pawang public elementary pupils, at nga children in need of special protection, ang tumanggap ng tig-P5,000 mula sa Districts 1-6 at Baseco.

Sa kanyang talumpati, umapela si Lacuna sa mga magulang na huwag gamitin na pambayad ng tubig, kuryente o utang ang natanggap na tulong.

Sa halip, gamitin ito sa pangangailangan ng kanilang mga anak.

"Bagama't hindi kalakihan, ang tulong na ito ay aming ibinibigay para kahit paano ay maibsan ang inyong pangaraw-araw na pangangailangan," ani Lacuna. "Sana ay gamitin ninyo ito sa pangangailangan ng mga anak ninyo."

Pinayuhan din niya ang mga estudyante na tapusin ang kanilang pag-aaral upang maipagmalaki sila ng kanilang mga magulang at makaahon sa kahirapan.

"Mag-aral lang kayo dahil 'yan ang regalo sa inyong mga magulang na ginagawa lahat para lang matustusan ang inyong mga pangangailangan. Wala nang iba pang masaya pag kayo ay makapagtapos ng pag-aaral," aniya. "Napakalaki ng learning gap ng ating mga anak at apo kaya gusto po namin sa pagkakataon na ito na paliitin ang learning gap... mabigyan kayo ng karagdagang tulong para mas matustusan nyo ang pangangailangan ng mga bata kaya pagdamutan sana ninyo ang aming nakayanan."