Kinubra na 50-anyos na laborer mula sa Cavite ang napanalunang mahigit ₱46 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola noong Abril 22, 2024.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang winning numbers na 33-17-40-09-42-20 na may kaakibat na premyong ₱46,011,957.80.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil sa hirap ng kaniyang trabaho, hindi makapaniwala ang lucky winner, na mahigit 20 taon nang tumataya sa lotto, na bigla siyang magkakaroon ng milyones.

Nagpasalamat naman ang lucky winner sa PCSO.

“Salamat po! Hindi rin po ako magpapakita ng mga malaking pagbabago sa aking pamumuhay upang hindi ako mahalata ng aking mga kapitbahay.”

Ang lahat ng premyong lampas sa ₱10,000 ay pinapatawan ng 20% buwis, alinsunod sa TRAIN Law.

Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.