Hindi pa man natatanong nang diretsahan, "No comment" na kaagad ang sagot ng Kapuso actor-TV host na si Paolo Contis nang usisain tungkol sa isyung hiwalay na raw sila ng jowang si Yen Santos.

Nabulabog kamakailan ang social media matapos mapansin ng mga netizen na burado na ang birthday greeting post ng aktres sa kaniyang boyfriend, na tinawag pa nga niyang "best friend."

Kung titingnan naman ang Instagram account ni Paolo, kapansin-pansing ni isa ay wala siyang fina-follow, kahit ang IG account ng bebe niya.

Sa inupload na video ni TV5 showbiz news reporter MJ Marfori, mapapanood na iwas na iwas si Paolo nang matanong tungkol sa isyu.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

"No comment" ang sagot niya kung okay pa ba sila ni Yen, at kulang na lang, layasan niya ang press na nag-iinterview sa kaniya.

"No comment... masyado na kayong may alam sa buhay ko, so I'd like to keep it personal, my personal life personal..." saad na lang ni Paolo.

Anyway, sabi nga ni Bea Alonzo, "Time is the ultimate truth teller" kaya abangan na lang kung magsasalita na ang dalawa sa tunay na estado ngayon ng kanilang relasyon.

MAKI-BALITA: Yen binura daw ang birthday post para kay Paolo, sila pa raw ba?

MAKI-BALITA: Paolo Contis, Yen Santos nagkaroon lang ng misunderstandings?