Mismong si "High Street" star Xyriel Manabat na ang "dumogshow" sa sarili niya matapos niyang ipagmalaki ang nangingitim daw niyang kilikili, kahit hindi naman siya totoong buntis.

Ibinahagi ni Xyriel ang photo collage niya na may mababasang text caption na "Hindi totoong buntis yan pero nangingitim kilikili lalaki siguro anak nito hmm," aniya.

"HIGH STREET LATER."

Naglagay pa siya ng hashtag na #RoxyAsAMomEra.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Photo courtesy: Xyriel Manabat (IG)

Si Roxy ay ang karakter niya sa sequel ng seryeng "Senior High" na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes.

Sa istorya ay isa nang batang ina si Xyriel, at ang anak niya, walang iba kundi si Baby Argus ng "It's Showtime."

Kahit hindi pa talaga totoong batang ina sa tunay na buhay, tiyak na mabibigyang-buhay at magagampanan nang maayos ng dating child star ang kaniyang role dahil sa angking-husay niya, na unang sumikat sa teleseryeng "100 Days To Heaven" bilang Anna Manalastas, ang young version ni Coney Reyes, kasama ang isa pang mahusay at award-winning actress na si Jodi Sta. Maria.

Tuloy-tuloy na nga ang pagbabalik-showbiz ni Xyriel matapos magpahinga ng ilang taon, simula nang mapabilang sa "Dirty Linen," tapos ay sa "Senior High," at heto na nga, kasama pa rin siya sa "High Street."