Sasabak na sa bakbakan ang karakter ng Vivamax actress na si Angeli Khang sa Kapuso primetime series na “Black Rider.”

Sa ulat ni GMA showbiz reporter Nelson Canlas nitong Lunes, Mayo 13, matutunghayan ang ilang maaaksyong eksena na aabangan kay Angeli tulad ng pakikipagsaksakan at paghawak niya ng sniper habang nasa ibabaw ng isang train.

Ito raw ang unang beses niyang sumabak sa mga maaaksyong eksena kaya naman mixed emotions ang kaniyang naramdaman.

"Challenging siya at ibang feeling siya. Masarap sa feeling na nakakagawa naman ako ng ibang project," pahayag ni Angeli. 

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Matatandaang simula nang ipasok si Angeli sa “Black Rider” ay tila inabangan na siya ng mga manonood dahil sa mga eksena niya kasama ang bidang si Ruru Madrid.

MAKI-BALITA: ‘Bianca, pakatatag daw!’ Unang bonding nina Ruru at Angeli, kiss agad

MAKI-BALITA: Angeli, pinatikim ng matamis na pinya si Ruru

MAKI-BALITA: Angeli Khang ‘nagpatikim’ na kay Ruru Madrid