Tila manhid na ang TV host actress na si Karla Estrada sa mga masasakit na salitang ibinabato ng bashers sa kaniyang pagkatao. 

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano noong Linggo, Mayo 12, nilinaw niya na bunga raw ng pag-ibig ang mga anak niya kahit pa magkakaiba ang ama ng mga ito.

“I have four kids with four fathers. So, my first is Daniel [Padilla]. So, si Daniel with Rommel [Padilla] years kami nagsama and finally hindi nag-work,” saad ni Karla.

“Laging gano’n lang naman ‘yong istorya. So, no’ng with the father naman of Carlito [Padilla], three years, four years ‘yon. Wala akong kinasama nang one night stand. Taon ang relasyon at lahat ng anak ko ay bunga ng pag-ibig,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Melai Cantiveros, itinangging niloko siya ni Jason Francisco

“‘Wag kayong mag-alala  kasi hindi ako tinatablan ng mga masasakit na salita dahil hindi naman nila alam ang totoong istorya,” dugtong pa niya.

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam ay isiniwalat ni Karla ang dahilan kung bakit mabilis mahulog ang loob niya sa mga lalaki.

MAKI-BALITA: Lumaking walang tatay: Karla Estrada, mabilis ma-fall sa lalaki