Minsan sa pag-ibig hindi mo na alam kung saan ka lulugar. Kapag nasobrahan ka sa pagmamahal, iiwanan ka; kapag naman nagkulang ka, iiwanan ka rin. Ang gulo ‘di ba?

Napag-usapan sa ">'EXpecially For You' segment ng ‘It’s Showtime,’ nitong Lunes, Mayo 13, ang naging conflict ng mag-ex na sina Sonny at Christiana.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Itinanong ni Vice Ganda kay Christiana kung ano nga ang naging kasalanan ni Sonny sa kaniya.

“‘Yung may problema po pala siya sa akin, hindi po niya sinasabi sa akin. Sinasabi niya sa mutual friend po namin and nalaman ko po ‘yun,” saad ni Christiana.

Nang matanong kung anong problema: “‘Yung parang nasosobrahan na po siya sa love. Kasi sobrang saya po ng lovelife namin, puro love and support.”

“Paanong nasobrahan sa love, parang nasasakal na ba siya? Gano’n ba ‘yung feeling niya?” tanong naman ni Vhong Navarro.

“Hindi na po siya nakikipagbonding sa mga other friends niya puro kaming dalawa na lang ang nagkakasama,” sagot naman ni Christiana.

Sumunod nito, tinanong ni Vice si Sonny kung bakit naging problema ‘yon.

“Para sakin po kasi, ‘yon nga po parang sa sobrang pagmamahalan namin para bang may kulang po gano’n,” sagot ni Sonny.

Hirit naman ni Jhong Hilario: “Sobra na nga may kulang pa.”

“I mean ano, ‘yon nga po sa sobrang pagmamahalan po namin, napagtanto ko minsan na kapag tinititigan ko po siya parang hindi ko siya nakikita sa future ko,” paliwanag ni Sonny na nagpaaray sa audience.

“Oh iba na ngayon ang rason mo. Kanina kasi ang sabi niya lang, wala na kayong ibang nagagawa kasi gusto niyo kayo lang magkasama kasi sobra kayong inlove. Pero ngayon ang rason mo na, nagising ka isang araw, hindi na siya ‘yung nakikita mong makakasama mo sa future mo?” sey naman ni Vice.

Paliwanag ni Sonny, mahal naman daw niya si Christiana kaso lang daw may nagawa siyang mali at pinagsisisihan naman daw niya iyon.

Kuwento niya, kapag mayroon silang hindi pagkakaintindihan o problema ni Christiana, mas na-o-open niya ‘yung problema sa mutual friend nilang babae kasi mas naiitindihan daw siya nito at mas komportable siyang kausap ‘yon.

Dagdag pa ni Sonny, “Ayun nga po, nanawa na ako sa kaniya. Sa sobrang pagmamahalan po namin parang naghahanap ako ng bago po gano’n—bagong kilig.”

“Bago. Naghahanap ka na ng bago,” sundot ni Vice. “[...] Kapag nagbago ‘yung damdamin mo, kasalanan ba ‘yon? o ang kasalanan ay kung paano mo haharapin ang pagbabagong ito?”

“Nagbabago po ‘yung nararamdaman natin, ‘yung feelings natin, gano’n po,” ani Sonny.

Aniya pa, nagbago ‘yung pagmamahal niya kay Christiana dahil parang mas nagiging prayoridad niya raw ang pag-aaral at future niya. Inamin din niya na isa rin sa naging problema nila ay ang pagiging seloso niya. Pinagseselosan niya raw ang pagiging friendly ng dating jowa.

Dalawang buwan makalipas ng kanilang break up mula sa isang taong relasyon, nagbago na raw si Sonny at handa na muling umibig.

Ang bagong makakadate ni Sonny ay Janella, 20, isang student nurse mula sa Cavite.