Nagbigay ng reaksiyon si Atty. Chel Diokno sa naging pag-ungkat ni dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales sa pagiging “convicted” ni Senador Jinggoy Estrada sa pagdinig ng Senado noong Lunes, Mayo 13.

Matatandaang sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs hinggil sa umano’y PDEA leaks, kinuwestiyon ni Estrada, vice chairman ng komite, kung papayagan bang tumestigo sa Senado si Morales, na nahaharap umano sa mga kaso hinggil sa “planting of evidence,” “estafa,” “extortion,” at “false testimony.”

“Parang hindi naman po maganda ‘yung sinasabi ni Senator Jinggoy Estrada patungkol sa akin. Para namang ako talaga ang hinuhusgahan. Ako’y may kaso pa lang, at hindi pa napapatunayan sa hukuman. Hindi kagaya po ng ating butihing senador, na-convict na po. Huwag naman pong ganoon,” giit naman ni Morales kay Estrada.

National

Morales, inungkat pagiging ‘convicted’ ni Jinggoy Estrada sa Senate hearing

Agad naman itong sinagot ng senador at sinabing huwag umano nitong pakialaman ang kaniyang kaso.

“Alam mo, Mr. Morales, huwag mong pakikialaman ang kaso ko, problema ko ‘yun. ‘Yung kaso mo ang ayusin mo, ha,” ani Estrada.

https://balita.net.ph/2024/05/13/estrada-dinuro-si-morales-huwag-mong-pakikialaman-ang-kaso-ko/

Nagbigay naman ng reaksyon si Diokno sa naturang pangyayari sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Martes, Mayo 14.

“Iba talaga ang labas pag sinasabi with conviction 🤭,” saad ni Diokno.

Matatandaang noong Enero 2024 nang ideklara ng Sandiganbayan si Estrada na “guilty” sa kasong direct at indirect bribery.

https://balita.net.ph/2024/01/19/jinggoy-estrada-absuwelto-sa-plunder-guilty-sa-kasong-bribery/