Nag-aalala ang mga netizen sa lagay ng kalusugan ni Viva star Julia Barretto dahil sa ibinahagi nitong larawan kaniyang social media account.

Sa Instagram post ni Julia nitong Lunes, Mayo 13, pinasalamatan niya ang mga medical staff na nag-alaga sa kaniya noong mga nakalipas na araw.

Discharged and finally home 🏡 Thanks so much to my doctors, nurses and the entire medical staff for taking such good care of me the past couple of days,” saad niya sa caption ng naturang post.

Dagdag pa ni Julia: “Thank you for the long hours of hard work. A tough time but taking this one as a reminder that our health should always be top priority ♡ Sending good energy!!!”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Hindi tuloy napigilan ng mga netizen na magbahagi ng kanilang reakisyon sa ibinahaging post ng aktres. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"What happened to our juju 😩😭"

"glad you're fine now but don't forget to take a rest sometimes and don't overwork yourself okay!?"

"Take care juju"

"Naunsa diay ka julia?"

"Over work 😔"

"Oh no!!!! Happy you’re well."

"I love you so much Jul ♥️"

"New movie?"

Samantala, wala namang binanggit na dahilan si Julia kung bakit siya na-confine. Pero ano’t anoman, ang mahalaga ay nakalabas na siya sa ospital at sana ay magtuloy-tuloy na ang paggaling niya.

Get well, Julia!