Kilig na kilig ang sikat na online personality at owner ng paresan na si Diwata nang makausap niya sa pamamagitan ng vidyokol (video call) ang aktor na si Marvin Agustin.

Sa vlog ng isang nagngangalang "SALOMO21," makikitang nakikipag-usap via vidyokol si Diwata at Marvin.

Hiniritan naman ni Diwata si Marvin kung anong pag-uusapan nila kung sakaling puntahan siya nito sa kaniyang puwesto.

"Ano pong pag-uusapan natin? Sayang, pagkakataon ko na sana maka-kissing scene ka!" ani Diwata na kinakiligan naman ng mga taong nagpapa-picture sa kaniya.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Hindi naman natapos ang pag-uusap ng dalawa dahil mahina ang signal sa lokasyon ni Diwata.

Samantala, sinabi naman ni Diwata na bagama't gusto niyang tanggapin ang mga nag-aapply sa kaniya na maging empleyado sa kaniyang paresan, hindi na raw siya tumatanggap dahil wala raw siyang maipapasuweldo sa mga ito.

Masyado na raw marami ang kaniyang staff kaya hindi muna siya tumatanggap.